-- Advertisements --

Lubos na nagpipigil at responsable ang Pilipinas sa gitna ng mga tensiyon na pumapalibot sa West Philippine Sea.

Ito ang naging reaksiyon ni National Security Council spokesperson Jonathan Malaya sa naging pahayag ng Beijing na lubhang mapanganib umano ang mga aksyon ng Pilipinas sa WPS.

Binigyang-diin naman ni Malaya na ang ugat ng lahat ng tensyon sa WPS ay ang hindi pagsunod ng China sa 2016 Arbitral Award at United Nations Convention on the Law of the Sea.

Kabilang na dito ang mga naging agresibong aksiyon ng China kamakailan na pambobomba ng tubig na itinuturing ng PH na mapanganib na maniobra laban sa mga sasakyang pandagat ng ating bansa sa regular resupply mission sa outpost ng militar sa Ayungin Shoal gayundin sa mga operasyon nito sa Scarborough Shoal.

Iginiit pa ng opisyal na ang China lang ang bansang naniniwala sa sarili nitong narrative at propaganda at wala ni isang bansa ang nagpahayag ng suporta sa 10-dash line nito na umaangkin sa halos buong pinagtatalunang karagatan kabilang ang WPS.