-- Advertisements --

Lumahok ang Pilipinas sa oral proceedings ng International Court of Justice (ICJ) sa request ng UN General Assembly para sa advisory opinion sa mga obligasyon ng mga estado may kinalaman sa climate change.

Dinaluhan ito nina Solicitor General Menardo Guevarra kasama sina Philippine Ambassador to the Netherlands Eduardo Malaya at Permanent Representative to the United Nations Office at Geneva Carlos Sorreta.

Dito, binanggit ni Guevarra ang mga bagyong tumama sa bansa dahil sa climate change mula sa Super Typhoon Yolanda hanggang sa mga huling bagyong tumama sa bansa na nakaapekto sa tinatayang 9.6 million Pilipino, puminsala sa 208,000 kabahayan at nag-iwan ng 158 katao na nasawi.

Pagdating aniya sa karagatan ng bansa, iniulat ni Guevarra ang findings ng Filipino marine bioligists na si Jonathan Anticamara kung saan ang malawakang pinsala sa mga coral reef o bahura sa Escoda shoal ay pangunahing bunsod ng climate impact.

Samantala, nanawagan naman si SolGen Guevarra sa mga estado na respetuhin ang kanilang mga obligasyon para protektahan at igalang ang mga karapatang pantao kabilang ang mga naapektuhan ng climate change dahil sa greenhouse gas emissions.