-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na mabibili na sa mga tindahan sa Rusya ang mga coconut product na nanggaling ng Pilipinas.
Maaari na raw mabili sa mga Russian retail store ang coconut milk, coconut cream, balsamic sauce, aminos sauces, coconut syrup, coconut oil at coconut jam.
Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang pagkakaroon ng mga produkto na magagamit sa Russia ay isang patunay na sa kabila ng pandemya, ang mga exporters ng Pilipinas ay may kakayahan na hindi lamang ipagpatuloy ang trade exports sa global market, ngunit kaya nitong makipagsosyo sa mga mamimili at importers sa mga bagong merkado.
Ang mga coconut product ng Pilipinas ay sumikat sa Russia dahil sa “purong lasa at walang mga additives.”