Inaasahang nasa twomillion doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang ibibigay na donasyon ng Philippine government sa Myanmar sa katapusan ng buwan ng Hunyo o sa unang linggo ng Hulyo.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje, nakikipag-ugnayan na sila sa Myanmar government kung saan ipapamahagi ang donasyon mga bakuna sa Maynmar Red Cross.
Nauna nito, sinabi ng NTF Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa na nasa 3 million vaccines ang ibibigay na donasyon sa iba pang mga Southeast Asian countries gaya ng Laos, Cambodi at Maymar.
Binigyang diin naman ni Usec. Cabotaje na mayroong sapat na suplay ng bakuna ang bansa hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Ibinahagi din ng health official na mayroon pang mga nakatakdang dumating na donasyong mga bakuna mula sa COVAX kung kaya’t ihihinto muna ang pagbili ng mga bakuna hanggang sa maging available na ang pagbabakuna sa mga batang edad limang taong gulang pababa.
Sa kasalukuyan, nasa 70 million indibidwal na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa.
-- Advertisements --