-- Advertisements --
Magbibigay ang gobyerno ng Pilipinas ng 3 million doses ng Sputnik COVID-19 vaccine sa mga karatig bansa sa Association of Southeast Asian Nations (Asean).
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, adviser of the National Task Force against COVID-19, na inihahanda na ng Department of Foreign Affairs ang mga papeles na kailangan para sa donasyon.
Aniya, ang mga target na bansang mabibigyan ng naturang bakuna ay ang Laos, Cambodia at Myanmar dahil sa nagkukulang ang mga bansang ito sa mga bakuna laban sa deadly disease partikular na ang Sputnik.
Ayon pa kay Dr. Herbosa na nangako na ang Covax facility ang led global initiative ng World Health Organization na kanilang papalitan ang nasa 1 million expired na Astrazeneca vaccines.