-- Advertisements --

Target mapalakas pa ang mga sistema ng proteksyon sa lipunan, mapalawak ang saklaw sa mga manggagawa, at ang pagtatayo ng mas matibay na mga institusyon, ito ang magiging focus ng Pilipinas sa pag-host ng 41st ASEAN Social Security Association (ASSA) Meetings mula Nobyembre 25 hanggang 27, 2024, ayon sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ang mga pagpupulong ay magsasama-sama ng mga lider at kinatawan ng mga social security institutions mula sa mga bansang ASEAN upang ipakita ang pagsusumikap ng rehiyon para sa isang mas komprehensibo at inclusive social protection framework.

Ang agenda ng pagpupulong ay tututok sa mga mega trend na kinakaharap ng industriya, ang kapangyarihan ng teknolohiya, at ang pagpapatupad ng mga komprehensibong pamamaraan sa social security sa loob ng ASEAN region.

Pinagtibay ni GSIS President at Vice Chairman ng ASSA na si Jose Arnulfo Veloso ang kahalagahan ng darating na pagpupulong, kasabay ng pagsasabing: “As the ASEAN continues to grow as a vital region for economic progress, it is our privilege to host this significant conference alongside SSS and PhilSSA members. This event represents a unique opportunity to showcase our leadership in shaping regional social security policies and provides a platform for meaningful exchanges among ASEAN nations — an essential step towards building a future wherein the social security system across the region is inclusive and equipped to protect every worker.”

Dagdag pa niya, “Manila offers a vibrant setting that combines rich culture and warm hospitality, ideal for fostering dialogue and sharing best practices among the delegates. As we prepare to welcome our esteemed delegates, let us all work together to leave a lasting impact and make this event an inspiring success.”

Kaugnay nito, puspusan na ang mga paghahanda upang tanggapin ang inaasahang pagdating ng mga international deligates, kaya nagtutulungan ang ang mga lokal na otoridad at iba pang stakeholders sa pagsasa-ayos ng kaganapan.

Inaasahang palalakasin ng pagpupulong ang papel ng Pilipinas bilang main player sa regional colaboration, pagpapabuti ng integration at pagiging epektibo ng mga sistema ng social security sa buong Southeast Asia.

Ang 41st ASSA Meetings ay magtatampok ng mga talakayan, interactive sessions, at mga keynote messages mula sa mga nangungunang eksperto at lider ng ASEAN.

Ang mga resulta at rekomendasyon mula sa kaganapang ito ay makakatulong sa mas malawak na agenda ng ASEAN at lilikha ng mga actionable insights na pananaw at estratehiya na magpapalakas ng kooperasyon at isusulong ang pagpapabuti ng mga network ng proteksyon sa lipunan sa buong rehiyon.

Ang Philippine Social Security Association (PhilSSA) ay binubuo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund), at Employees’ Compensation Commission (ECC).