Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na gaganapin sa Puerto Princesa, Palawan, ang ika-2 ASEAN Regional Correctional Conference mula Pebrero 14 hanggang 17, 2025.
Ang pagtitipon, na may temang “Shaping the Future of Corrections Together,” ay magtitipon kasama ang mga leader mula sa mga correctional services ng ASEAN upang pag-usapan ang mga hamon sa sistema ng kulungan, magbahagi ng mga kaalaman ng sagayon matulungan ang pagpapabuti ng correctional systems sa rehiyon.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., kabilang sa mga tatalakayin sa summit ang mga judgement o kaso upang mabawasan ang bilang ng mga nakakulong, mga programa sa rehabilition para sa matagumpay na reintegration ng mga inmate sa lipunan, digital transformation sa pamamahala ng bilangguan, at pagpapahusay ng dokumentasyon at pagpapalitan ng datos para sa mas malinaw at epektibong sistema.
Bukod sa mga kinatawan mula sa 10 bansang ASEAN, dadalo rin ang mga ambassador mula sa hindi bababa sa 28 global organization tulad ng United Nations Office on Drugs and Crime, International Committee of the Red Cross, at European Union’s Justice Sector Reform Program.
Ito ang unang pagkakataon na magho-host ang Pilipinas ng nasabing conference.