-- Advertisements --

Target ng gobyerno ng Pilipinas na magtayo at magpatakbo ng kauna-unahang cable car sa mga susunod na panahon.

Kinumpirma ito ng Department of Transportation kasabay ng isinagawang Build Better More Infra Forum ng PCO.

Sa naging pahayag ni DOTr Usec. Timothy John Batan, sa ngayon aniya ay nakikipag coordinate na ang kanilang ahensya Asian Development Bank.

Ito ay may kinalaman sa pagkakaroon nga ng potential na magtayo ng isang cable car connection na magmumula sa MRT-4 Taytay station patungo sa lungsod ng Antipolo.

Tapos na rin aniya ang isinagawang pre-feasibility study sa nasabing plano at target nilang matapos pinal na pag-aralan nito.

Layon nito na matukoy ang kabuuang halaga na magagastos ng pamahalaan sa pagpalatayo ng naturang proyekto.

Tutukuyin sa pag-aralan kung ilan ang aktwal na pasahero na makikinabang sakaling operational na ito.

Possible namang matapos na feasibility study sa taong 2025 habang ang bidding dito ay inaasahang magsisimula sa 2026.