-- Advertisements --
Magbibigay ang gobyerno ng Japan ng coastal surveillance radar system sa Pilipinas.
Ito ay sa ilalim ng bagong lunsad na Official Security Assistance (OSA) ng Japan kung saan ang PH ang siyang unang tatanggap.
Layunin nito na mapalakas pa ang bilateral coast guard coordination at magbigay ng karagdagang patrol vessels sa pamamagitan ng naturang assistance ng Japan.
Inanunsiyo ang naturang plano sa working lunch sa pagitan nina PH Foreign Secretary Enrique Manalo at Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa kasunod ng paglagda ng Reciprocal Access Agreement.