Malamig ang Pilipinas sa ideya na magsagawa ng joint patrols kasama ang China kasunod ng pagharang ng China Coast Guard sa resupply vessel ng Pilipinas sa Ayungin shoal.
Ito ang inihayag ni National Security Council director general at National Task Force for the West Philippine Sea spokesperson Jonathan Malaya.
Paliwanag pa ng opisyal na walang visiting forces agreement o kaparehong kasunduan sa pagitan ng China sa Pilipinas na mahalaga aniya para magkaroon ng legal na basehan para magsagawa ng joint maritime exercises.
Nitong Martes, sinabi din ni Malaya na mapipigilang mangyari muli ang insidente sa Ayungin shoal sa kasado ng joint patrols sa pagitan ng PH at Amerika bilang pagpapakita ng kalayaan sa paglalayag sa exclusive economic zone ng PH.
Kung maaalala, noong Hulyo sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr. naga-alok ang China na magsagawa ng joint military exercises