Ipinahayag ng gobyerno ng Pilipinas ang malugod nitong pagtanggap sa kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hamas, na nagtapos sa matagal na alitan at pagpapalaya ng mga hostages.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Enero 17, 2025, ‘The Philippines welcomes the announcement of the long-awaited ceasefire agreement between Israel and Hamas and the release of hostages in Gaza.’
Ang kasunduan ay nagtatakda ng anim na linggong tigil-putukan at kabilang dito ang mga probisyon para sa unti-unting pag-urong ng mga puwersang Israeli mula sa Gaza, pati na rin ang palitan ng mga hostages ng mga bilanggong Palestino.
Binibigyang-diin ng Pilipinas ang kahalagahan ng pagsunod sa international law, lalo na sa proteksyon ng mga sibilyan at ang pagpapalaganap ng tulong pang-humanitarian, at muling pinagtibay ang pangako nitong suportahan ang solusyon ng dalawang estado para sa pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon.