-- Advertisements --
Mananatiling storm-free ang Pilipinas hanggang sa unang lingo ng Marso, batay sa pagtaya ng state weather bureau.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pag-iral ng ilang weather system sa bansa tulad ng shear line, amihan, at easterlies.
Sa kasalukuyan, nananatiling walang namomonitor ang weather bureau na nabubuong tropical cyclone o mga low pressure area sa labas at loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa weather bureau, magpapatuloy ito hanggang sa unang lingo ng Marso.
Sa kabuuan ng 2025, wala pang nabubuo o pumapasok na bagyo sa bansa.
Una nang tinaya ng weather bureau ang posibilidad na 0 hanggang isang bagyo ang posibleng papasok sa Pilipinas ngayong buwan.