Inihayag ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO) na inaasahang mananatiling matatag ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng mataas na inflation at mahinang external demands.
Napanatili ng ekonomiya ng Pilipinas ang matatag na momentum ng paglago nito sa unang tatlong quarter ng 2023, kasunod ng multi-decade high na 7.6 percent noong 2022.
Ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lumago ng 5.9 porsiyento sa ikatlong quarter ng taon, na nagdala sa year-to-date na paglago ng ekonomiya sa 5.5 porsiyento.
Para sa taong kasalukuyan, inaasahan ng AMRO na ang ekonomiya ng Pilipinas ay magmo-moderate hanggang 5.6 porsiyento dahil sa mataas na base effect at mas mahinang external demand.
Gayunpaman, inaasahan ng AMRO na mananatiling mataas ang inflation sa taong 2023.
Inaasahang aabot sa 6.0 percent ngayong taon ang inaasahang inflation.