Mariing binatikos at nagpahayag ng seryosong pagkabahala ang Pilipinas sa patuloy na ballistic missile launch ng North Korea.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang naturang provocative actions ay nakakasiraa sa paglago ng ekonomiya, kaayusan at stability sa Korean Peninsulaa at sa Indo-Pacific region.
Kaugnay nito, muling binigyang diin ng DFA ang panawagan nito sa NoKor na agarang itigil ang nasabing mga aktibidad at sumunod sa lahat ng international obligations nito kabilang ang may kaugnayan sa UN Security Council Resolutions at mag-commit para sa mapayapa at konstruktibong diyalogo.
Ginawa ng PH sa pamamagitan ng DFA ang naturang panawagan kasunod nga ng inilunsad ng NoKor na pinakabagong ballistic missile test nito sa East Sea noong araw ng Lunes, sa gitna ng political crisis sa South Korea at pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Seoul.
Ayon sa North Korean state media, ang pinakabagong weapon test ng bansa ay ang bagong hypersonic intermediate-range missile na idinisenyo para tamaan ang remote targets sa Pasipiko kasabay ng pangako ni NoKor Pres. Kim Jong Un na palawigin pa ang koleksiyon nito ng nuclear-capable weapons para ma-counter ang mga kalaban nilang bansa.