-- Advertisements --

Mariing iginiit ng Pilipinas ang soberaniya sa Bajo de Masinloc sa harap ng ibang miyembro ng United Nation Assembly.

Ipinaabot ito ni Philippine Permanent Representative to the UN Antonio Lagdameo sa kaniyang matapang na pahayag sa isinagawang UN General Assembly debate kaugnay sa Oceans and Law of the Sea.

Dito, sinabi ng PH envoy na ang naturang bahura na nakasaksi sa maraming mga kaso ng harassment mula sa China, ay mahalagang parte ng teritoryo ng ating bansa.

Ayon pa kay Amb. Lagdameo, tanging ang Pilipinas alinsunod sa pagpapairal ng soberaniya nito ang may karaapaatan para maglagay ng baselines at ang lawak ng territorial sea sa palibot ng Bajo de Masinloc alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Tinutulan din nito ang baseline claim ng China sa katubigan ng Bajo de Masinloc na aniya’y nasa western coast ng Luzon.

Iginiit din ng Ambassador na ang 1982 UNCLOS at ang umiiral na 2016 Arbitral Award sa disputed waters ay bumubuo sa pundasyon ng polisiya ng Pilipinas sa pinagtatalunang karagatan. Binanggit din dito ng opisyal ang kamakailang pagsasabatas ng Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.

Sa pamamagitan aniya ng mga batas na ito, sinabi ni Amb. Lagdameo sa UN na ipapatupad ang mgaa ito alinsunod sa UNCLOs, pagpapahusay pa ng kapasidad ng bansa para sa pamamahala sa karagatan at pagpapabuti pa ng maritime policies para sa pag-unlad ng ekonomiya at para sa pambansang seguridad.

Kaugnay pa rito, binigyang diin din ng PH envoy ang commitment ng Pilipinas para sa diplomasiya at iba pang mapayapang paraan para maayos ang hidwaan sa pamamagitan ng pagtalima sa UN Charter at Manila Declaration on the Peaceful Resolution of Disputed sa paggiit ng ating soberaniya, sovereign rights at hurisdikisyon sa disputed waters.