Itinanghal bilang Miss Globe 2021 ang pambato ng Pilipinas na si Maureen Montagne na isinagawa sa bansang Albania kaninang madaling araw.
Nabighani ni Montagne ang lahat sa Miss Globe 2021 kung saan ipinamalas niya ang kanyang fierce look sa itaas ng entablado sa lahat ng kategorya, lalo na sa bikini competition.
Suot ang kanyang itim na two-piece swimwear, ibinida ni Montagne ang kanyang sultry look at toned body.
Napaka-classic naman ng kanyang dating pagsapit ng evening gown competition at mala-diyosa naman sa kanyang sampaguita inspired costume.
Nagwagi naman bilang first runner up si Miss Nigeria Ester Ogechi Gabriel habang second runner up naman si Melike Bali ng Turkey.
Samantala, narito ang mga nanalo ng special awards:
Miss Bikini: Guyana, Bria Renee Lawrence
Miss Talent: Greece, Vrisiida Andriotou
Head to Head Challenge winner: Malaysia, Malveen Kaur
Miss Friendship: South Africa – Sinesipho Kimati Gov
Miss Photogenic: Finland, Katariina Juselius
Miss Elegance: Siberia, Daria Shapovalova
Miss Runway Model: Italy, Benedetta Candido
Best National Costume: Peru, Viveka Hernandez
Miss Social Media: Germany, Jasmin Selberg
Kung maalala noong nakaraang linggo lamang ay kinilala naman ang pambato ng Pilipinas na si Cinderella Faye Obeñita bilang Miss Intercontinental 2021 na isinagawa sa Egypt.
Ang 26-anyos na Pinay model-event host na mula sa Batangas ay ang ikalawa na tinanghal bilang Miss Globe kung saan ang una ay si Ann Colis noong 2015.
Si Maureen ay ipinanganak at lumaki sa Chandler, Arizona, USA.
Sinasabing liban sa dugong Pinay, siya rin ay may French descent.