May kakayahan na ang Pilipinas na madetect ang dark vessels o mga barko na nagpapatay ng kanilang automatic identification system sa loob ng territorial waters ng bansa gamit ang satellite tracking system ng Canada.
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, kamakailan ay ginamit ng PH ang “Dark Vessel Technology” ng Canada nang ma-track nito ang China Coast Guard 5901 vessel o tinatawag na Monster ship na 12,000 tonelada ang bigat sa loob ng 10 araw.
Batay naman kay Dr. Chester Cabalza, director at founder ng International Development and Security Cooperation, ang “state-of-the-art” tracking system ng Canada ay isang teknolohiya na making bagay ito para sa ating bansa upang gawing advance ang deterrence capability nito nang hindi dumidepende sa foreign private sector data na prone aniya sa misinterpretation.
Sinabi naman ni Colin Townson, outgoing head for Political and Public Affairs ng Embassy of Canada to the Philippines, na suportado ng Canada ang PH sa gitna ng tensiyon sa pinagaagawang karagatan.
Tulad nga ng Amerika, ang Canada ay committed din sa pagsiguro ng kalayaan sa paglalayag at rules-based order sa Indo-Pacific region.