-- Advertisements --
Naniniwala ang Asian Development Bank na mayroong “potensyal” ang Pilipinas na maging fastest-growing economy sa Asia dahil na rin sa infrastructure projects ng pamahalaan, reporma sa buwis at mas batang manggagawa.
Sinabi ni ADB Chief Economist Yasuyuki Sawada na indikasyon din ng “fundamental strength” ng ekonomiya ng Pilipinas ang credit rating upgrade na natanggap ng bansa mula sa S&P Global kung saan napanatili ang economic growth sa higit anim na porsiyento.
Ang Gross Domestic Product (GDP) grwoth ng Pilipinas ay isa sa mga pinakamabilis sa Asia, kasama ang China at Vietnam.
“It’s quite possible for the Philippines to be the fastest-growing economy in Asia,” saad ni Sawada sa isang panayam.