-- Advertisements --

Umaasa si Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benito Atienza na ang susunod na maging kalihim ng Department of Health ay kayang pakinggan ang sentimiyento ng mga taon.

Sinabi pa nito na mahalaga aniya ang nabanggit na katangian lalo na at malapit na aniya ang pagpapatupad ng universal healthcare.

Inihalimbawa nito ang ugaling taglay ng namayapang si DOH Sec. Juan Flavier na pinapakinggan ang mga hinaing ng mga tao at mga health workers.

Marapat din na maging bukas ang pag-iisip at mapagkumbaba.