-- Advertisements --
image 197

Sinimulan na ng Pilipinas ang pag-export muli ng sariwang produktong mangga sa Australia.

Kinumpirma ito ngayong araw ni Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry.

Ayon kay DA-BPI Director Glenn Panganiban, inisyal na nagpadala ang bansa ng 1,500 kilo ng carabao mangoes sa isinagawang simpleng seremoniya noong Setyembre 6 sa isang cargo terminal sa paliparan sa bansa.

Inihayag naman ni DA-BPI Assistant Director for Research, Development and Production Support Services Herminigilda Gabertan, ang pag-export ng nasabing produkto ng PH sa mga kabisera ng Australia na Sydney at Perth ay ang pag-marka din ng kauna-unahang pag-export ng sariwang mangga mula Pilipinas patungo sa Australia sa nakalipas na 10 taon.

Noon pa kasing taong 2013 huling nakapag-export ng produktong mangga ang PH sa Australia kung kayat isang malaking hakbang ito para sa pag-unlad ng industriya ng mangga upang mapromote din ang produkto sa labas ng PH.