Muling nahalal ang Pilipinas sa United Nations Commission on the Status of Women (CSW) at Commission on Science and Technology for Development (CSTD).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), idinaos ang halalan sa naturang UN bodies noong Abril 9 sa ika-12 plenary meeting ng United Nations (UN) Economic and Social Council sa New York.
Kaugnay nito, ayon kay Philippine Ambassador and Permanent Representative to the UN Antonio Lagdameo ipagpapatuloy ng Pilipinas ang aktibong engagement nito at pag-aambag sa work programs at mga inisyatibo ng 2 mahalagang UN bodies.
Ang termino ng Pilipinas sa CSW ay mula 2025 hanggang 2029 habang sa CSTD naman ay mula 2025 hanggang sa 2028.
Sinabi naman ng DFA na ang pagkakatalagang muli ng PH ay nagpapakita ng tiwala ng international community sa ating bansa at ipinangako ding ipagpapatuloy ng PH ang kontribusyon nito sa pagsusulong sa gender equality, sa siyensiya at teknolohiya.