-- Advertisements --

Muling pinagtibay ng Pilipinas ang pinalawak at pinalakas na bilateral ties sa Japan.

Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo matapos ang bilateral meeting niya kay Japan Minister for Foreign Affairs Kamikawa Yoko.

Binigyang-diin ni Secretary Manalo na ang bilateral meeting niya sa Japan ay isang magandang pagkakataon kasunod ng trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, US at Japan na ginanap sa Washington, DC.

Ang bilateral meeting ni Sec Manalo kay Kamikawa ginanap bago ang pulong bago ang trilateral summit nina Pang. Ferdinand R. Marcos Jr., Japan Prime Minister Fumio Kishida, and US President Joe Biden.

Sa panig naman ni Kamikawa pinuri nito ang Pilipinas sa pangako nito na palawakin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Kamikawa na bukas ang Japanese government sa pakikipag-usap para bumuo ng mga paraan para lalong lumalim ang international cooperation sa Pilipinas kabilang ang bilateral cooperation at trilateral cooperation kasama ang United States.