Humigit kumulang 50,000 challenges ang inisyu ng panig ng Pilipinas laban sa mga sasakyang pandagat na dumadaan sa territorial waters at exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa taong ito ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa isang panayam kay AFP chief General Romeo Brawner Jr., sinabi nito na papalapit na ang ilang barkong pandigma ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ngayong 2024 lamang, mayroon ng 50,000 challenges na ginagawa sa mga barkong dumadaan sa international waters na sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas pati na sa internal waters.
May ilan aniyang barko ang tumugon sa mga challenge ng PH habang ang ilan ay hindi.
Binanggit din ng AFP chief na ang ilang bahagi ng karagatan ng Pilipinas ay itinuturing na isang international maritime highway kaya maraming maritime, commercial, at kahit na mga barkong pandigma ang kadalasang dumadaan sa mga lugar na ito.