-- Advertisements --
Inilunsad ng gobyerno ng Pilipinas ang cruise visa waiver para mapadali ang pagpasok sa bansa para sa mga dayuhang kailangan ng visa sa kanilang pagbabakasyon nang naka-on board sa cruise ships.
Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong dayuhan para sa waiver sa e-service portal ng Bureau of Immigration.
Kaugnay nito, inaasahan ni Tourism Secretary Christina Frasco na makakaengganyo ang naturang programa ng mas marami pang cruise passengers para ikonsidera ang Pilipinas bilang sunod na destinasyon.
Noong 2023, nakatanggap ang bansa ng 123 port calls na nagdala ng mahigit 101,000 pasahero.
Ngayong taon, tinatayang nasa 117 port calls ang kanilang matatanggap na katumbas ng mahigit 118,000 na mga dayuhang bisita.