Ibinunyag ng National Maritime Council na nagpadala ang Pilipinas ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines para muling igiit ang pag-aari nito sa Escoda shoal/Sabina shoal.
Ito ay ilang araw matapos na i-pull out ang isa sa pinakamalaki at pinakamodernong barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua.
Subalit hindi na idinitalye pa ng konseho kung ano o kung ilan ang mga idineploy na barko ng PH.
Ayon kay NMC spokesman Alexander Lopez, maliban sa PCG mayroon ding presensiya ng Navy vessels sa ilalim ng AFP subalit hindi naman binanggit kung nakarating na rin ito sa Escoda shoal.
Ipinaliwanag din ni Lopez na mas mainam na hindi alam ng China ang eksaktong kinaroroonan ng mga barko ng PH dahil kapag nalaman nila kanila itong pupuntahan.
Binigyang diin naman ng opisyal na mananatili ang presensiya ng PH sa Escoda shoal.