-- Advertisements --
pastor apolinario sleeping
Pastor Apolinario

KORONADAL CITY – Nahaharap umano sa ngayon sa isang napakalaking krisis ang Duterte administration dahil sa investment scam na Kabus Padatuon o KAPA Community Ministry International Inc ni Joel Apolinario.

Ito ang inihayag ni outgoing South Cotabato governor Daisy Avance Fuentes sa isinagawang oath taking ceremony ng mga nanalong Sangguniang Panlalawigan Members.

Ayon kay Fuentes, hindi lamang ang South Cotabato kundi maging ang buong Pilipinas ang nasa krisis dahil sa panloloko na ginawa ng grupo sa pangakong may makukuhang 30% na interes kada buwan ang mga biktima.

Ibinunyag din ng opisyal na nahirapan umano ang National Intelligence ng bansa upang utusan ang PNP at National Bureau of Investigation (NBI) sa probinsya na ipatigil ang operasyon dahil halos lahat sa mga ito ay investors din ng KAPA.

May isa din umanong bayan na 100% ang investors ng KAPA samantala may mga empleyado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at NBI naman na nag-invest lang umano para sa intellegce gatherings pero wala namang nangin resulta.

Kaugnay nito, hinamon din nito ang mga elected officials sa probinsya na gumawa ng paraan upang matulungan ang mga nabiktima ng KAPA.