Tiniyak ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahandang lumaban ang Pilipinas sa mga nagtatangkang sakupin ang ating teritoryo.
Ito ang binigyang-diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa patuloy na kinakaharap na hamon ng Pilipinas laban sa China particular ang isyu sa West Philippine Sea.
Binigyang-diin ni Brawner na dahil sa modernisasyon ng AFP, malayo na ang narating ng bansa sa usapin ng depensa.
- AFP wala nang namonitor na foreign terrorist sa bansa – Brawner
- Kamara tiniyak ‘fully funded’ sa annual nat’l budget ang modernization,welfare programs ng AFP
- Monster ship ng China, napakalapit ng distansiya mula sa El Nido, Palawan nang dumaan ito noong Martes – PCG
Sabi ni Brawner, kung meron mang gustong sumakop sa Pilipinas, talagang lalaban tayo at siguradong masusugatan ang mga magtatangkang manakop.
Paliwanag ni Brawner ang mas malakas na kakayahang pangdepensa ng bansa ay sa bisa na rin ng mga taglay natin ngayong mga makabagong gamit, na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos jr.
Inihayag ni Brawner, malaki na ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa ikatlong yugto ng modernisasyon ng AFP o ang horizon 3 para sa comprehensive archipelagic defense concept.
Sa ilalim ng konseptong ito ay idi develop ang mga barko at aircraft ng bansa.
Nakalinya rin aniya ang mas marami pang barko at o corvets o mas kilala bilang warships gayundin ang jet fighters na bibilhin.
Ipinagmalaki rin ni Brawner na sa ilalim ng modernisasyon ay mayroon na tayong radar defense system, surveillance system at ang kararating na missile system na kaya aniyang magpalubog ng barko.
Maging ang kakayahan aniya ng ating mga sundalo ay nag level up na rin, dahil sinasanay na rin sila sa cyber warfare para sila maging cyber warriors.
Kasama rin aniya sa training ang pagbuo ng mga bagong organisasyon tulad ng missile regiments, at cyber command.
Aminado si Brawner,marami talaga ang gustong masakop ang ating bansa, maging ang nakapaligid nating karagatan, kaya kailangan natin maipakita na kayang kaya nating depensahan ang ating teritoryo, Karapatan at sovereign rights.