Inanunsiyo ng Deparment of Finance (DOF) na makakakuha ito ng $10-M mula sa Green Climate Fund para ma-address ang climate hazards sa bansa.
Ito ay kasunod ng matagumpay na pag-host ng DOF ng four-day mission sa Pilipinas ng Green Climate Fund.
Nagpasalamat naman si DOF Secretary Ralph Recto para sa financial grant at binigyang-diin ang importansiya ng kolektibong aksiyon para siguruhin ang sustainable future ng mga susunod na henerasyon.
Bukod pa rito ay mayroon pa umanong apat na priority projects proposals ang inaasahan na nagkakahalaga naman ng $188-M na popondohan din ng Green Climate Fund katuwang ang pamahalaan at iba pang partner.
Ang Green Climate Fund ay isang international fund ng global climate treaty na Paris Agreement sa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change na binuo upang suportahan ang low-emission development at climate resilience projects sa mga developing countries kabilang na ang Pilipinas.