-- Advertisements --
Nakapagtala ang Pilipinas ng 14,733,597 international arrivals noong 2024, base sa datos ng Bureau of Immigration (BI).
Ito ay malapit na sa pre-pandemic figure na 17,085,097 noong 2019.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sumasalamin ito sa tuluy-tuloy na pagbangon ng sektor ng turismo, na nagdadala sa bansa sa pre-pandemic level sa kabila pa ng mga hamon sa mundo.
Ang South Korea ang nananatiling nangungunang pinagmumulan ng mga dayuhang bumibisita sa bansa na nasa 1,761,281.
Sinundan ito ng Estados Unidos na may 1,325,684 arrivals at China na may 500,082 foreign arrivals.
Gayundin, sumunod sa may malaking bilang ng arrivals ay mula Japan, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, India at Singapore.