Nakapagtala ang Pilipinas ng pinakamataas na bilang ng na-displace na mga batamula 2016 hanggang 2021 dahil sa climate crisis base sa ulat sa fist global analysis ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).
Ang PH ang episentro ng krisis na mayroong 9.7 million bata na na-displace.
Nangunguna ang PH sa madalas tamaan ng bagyo at ikatlo naman sa baha. Sumusunod ang India na mayroong 6.7 million batang na-displace at China na nasa 6.4 million. Kapag pinagsama ang bilang mga batang napdisplace mula sa 3 bansa, tinatayang aabot ito sa 23 million mula 2016 hanggang 2021.
Ayon sa Unicef kailangan ang preemptive evacuation para maisalba ang mga batang naninirahan sa delikadong mga lugar.
Kasabay ng paghahanda ng mga lider na magpulong sa Climate change summit sa Dubai sa Nobiyembre, hinimok ng UNICEF ang mga gobyerno,donors, development partners at private sectors na gumawa ng aksiyon para protektahan ang mga bata at nakakabatang populasyon mula sa displacement sa hinaharap.