-- Advertisements --

MANILA – Inamin ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ang bilang ng mga tinamaan ng sinasabing mas nakakahawang B.1.1.7 (UK variant) ng SARS-CoV-2 virus sa Pilipinas.

Batay sa press release ng ahensya, 30 ang nadagdag sa listahan ng UK variant cases matapos ang ika-walong batch ng whole genome sequencing ng UP-Philippine Genome Center.

Sa parehong batch din natukoy ang 6 na unang mga kaso ng South African variant.

Kabilang sa 30 bagong kaso ng B.1.1.7. ang 20 returning overseas Filipinos (ROF).

Dumating sila ng Pilipinas sa pagitan ng January 20 at February 16 mula sa mga bansa sa Middle East, Singapore, at Amerika.

Ayon sa DOH, 13 sa mga ito ang asymptomatic active cases. Habang pito ay gumaling na.

Pare-pareho namang taga-Cordillera region ang tatlong iba pang bagong kaso ng B.1.1.7.

“One case is currently active and is admitted to a hospital, one has recovered, and one is a reported fatallity.”

“The linkage of the 3 local cases to previously reported B.1.1.7 variant cases in the region is currently being investigated.”

Sa ngayon inaalam pa ng Health department ang pagkakakilanlan ng pitong iba pang bagong kaso ng UK variant.

Paliwanag ng ahensya, nasa 87 lang ang kabuuang bilang ng B.1.1.7 cases dahil lima ang tinanggal sa 62 na orihinal na total cases.

“Upon submission of the sequencing data of the 62 original B.1.1.7 cases as of last count to the Global Initiative on Sharing of All Influenza Data (GISAID), GISAID reclassified five (5) cases as belonging to other variants.”

Bukod sa UK variant, nadagdagan din daw ng dalawa ang bilang ng kaso ng SARS-CoV-2 mutations mula sa mga COVID-19 cases ng Region 7.

“Based on the latest sequencing results, two (2) additional samples from Region 7 were found to have both N501Y and E484K mutations.”

“The DOH also reports that upon further verification, two (2) cases from Region 7 previously reported to have these mutations have been delisted, thus the total remains at 34 cases.”