-- Advertisements --

MANILA – Nadagdagan pa ang bilang ng mga kaso ng sinasabing “mas nakakahawang” variants o anyo ng COVID-19 virus na SARS-CoV-2 sa Pilipinas.

Ito ang inamin ng Department of Health (DOH), atpaos ang pinakabagong genome sequencing na ginawa ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health.

Kabilang sa mga nadagdagan ng bagong kaso ay ang B.1.1.7 na unang na-detect sa United Kingdom, at B.1.351 na unang natuklasan sa South Africa.

B.1.1.7 CASES

Batay sa datos ng mga ahensya, 289 bagong kaso ng tinaguriang UK variant ang naitala.

Binubuo ang bilang na ito ng 48 returning overseas Filipinos (ROFs), 185 local cases, at 56 na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan.

“Based on the case line list, 3 cases remain active while 2 have died and 284 have recovered.”

Taglay ng B.1.1.7 variant ang “N501Y” mutation o pagbabago sa anyo ng virus, kaya mas mabagsik na itong makahawa sa ibang tao.

B.1.351 CASES

Nadagdagan naman ng 380 na bagong kaso ang bilang ng tinaguriang South African variant.

Karamihan sa mga ito o 196 ang local cases, 107 ang ROFs, at 77 na unverified.

“Based on the case line list, 1 case is still active and 379 cases have been tagged as recovered.”

Bitbit din ng B.1.351 variant ang N501Y mutation.

Pero mayroon din daw itong “E498K” o escape mutation. Binibigyan nito ng kakayahan ang virus na labanan ang bisa ng mga bakuna.

Nilinaw ng Health department na hindi pa dominant variant sa bansa ang South African variant.

“B.1.351 is the most common variant among the samples sequenced with assigned lineages.”

P.3 CASES

Walang naitalang bagong kaso ang bansa ng P.1 o Brazilian variant, na isa ring “variant of concern.”

Gayunpaman, siyam na bagong kaso ng P.3 variant na unang natuklasan sa Pilipinas ang naitala ng mga ahensya.

“3 are ROFs, 4 are local cases, and 2 cases are being verified if they are local or ROF cases. Based on the case line list, all 9 cases have recovered.”

Una nang sinabi ng DOH na may taglay ding N501Y at E484K mutation ang P.3, pero nananatili pa rin daw itong “variant under investigation.”

“The P.3 variant is still NOT identified as a variant of concern since current data is insufficient to determine whether the variant will have significant public health implications.”

Batay sa datos ng mga ahensya, aabot na sa 7,167 positive samples ang kanilang naisailalim sa genome sequencing mula nang paigtingin ng pamahalaan ang biosurveillance sa COVID-19 variants.

Mula sa naturang bilang, tinatayang 5,917 ang na-assign sa iba’t-ibang lineages.

Kabilang na rito ang B.1.351 na binubuo ng 18.2%; B.1.1.7 na binubuo ng 16%; P.3 na binubuo naman ng 2.7%; at P.1 na binubuo lang ng 0.3%.

“Ang mga lineage ay parang iba’t-ibang angkan. Sa loob, mayroon naging sangay at naka-ipon ng mga mutations na maaaring hindi na katulad ng pinanggalingan niyang main family line. ‘Pag nakaipon ito ng significant mutations, tinatawag na variant,” paliwanag ni Dr. Eva Cutiongco-Dela Paz ng UP-NIH.

Ayon sa DOH, patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ng pagbabakuna, lalo na sa mga healthcare workers, senior citizens, at may comorbidity, para makontrol at mabawasan ang bilang ng mga namamatay.

Nanawagan rin ang ahensya sa publiko na patuloy na sundin ang minimum public health standards nang mabawasan ang exposure sa impeksyon ng coronavirus.

“Active contact tracing and swift case detection, completion of isolation/quarantine period, and continued implementation of the PDITR strategies and other localized interventions by the local government units are likewise necessary to slow down the transmission rate and bring down the number of COVID-19 cases.”