MANILA – Aabot na sa higit 1.4-million (1,456,793) doses ng bakuna laban sa COVID-19 ang naiturok ng pamahalaan mula nang magsimula ang vaccination rollout ng Pilipinas.
DOH holds press briefing. Usec. Myrna Cabotaje says the country has administered 1.4-million doses of COVID-19 vaccines. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/7WfrjM4Kj7
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 19, 2021
Batay sa datos ng Department of Health, as of April 17, tinatayang 1.2-million (1,264,811) ang nabigyan ng unang dose. Habang 191,982 na ang naka-kumpleto ng second dose, na pawang mga healthcare workers.
Bukod sa medical frontliners, nabigyan na rin ng bakuna ang senior citizens, at mga indibidwal ng may comorbidity o may ibang sakit.
“In terms of the ranking natin sa ASEAN, pumapangatlo tayo sa Indonesia and Singapore. May mga problema sa supply but even then we were able to administer many of them,” ani Usec. Myrna Cabotaje.
Sa kabuuan, 3.25-million (3,025,600) doses ng COVID-19 vaccines ang hawak ng Pilipinas.
LOOK: Breakdown of COVID-19 vaccines delivered in the country. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/4v9EOGenlh
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 19, 2021
Karamihan sa mga ito ay donasyon mula China at COVAX Facility ng World Health Organization.
Mula naman sa mga binili ng pamahalaan, 1.5-million doses pa lang ang dumadating at galing ito sa kompanyang Sinovac ng China.
“Yung mga Sinovac kailangan naka-ensure yung second dose kasi 28-days, yung COVAX (AstraZeneca) ginawa natin lahat na first doses dahil ang second dose niya ay three months after.”
“Alam natin limited ang supplies kaya ang prioritization framework ang ating isinasakatuparan with most at risk and most vulnerable ang primordial concern.”
Ayon kay Cabotaje, hindi na lang limitado sa isang priority group ang pagbabakuna ngayon dahil lumalakad ang “simultaneous” o sabayang pagtuturok sa tatlong grupo.
Nilinaw lang ng opisyal na naka-depende pa rin sa supply ng bakuna ang tsansa na maturukan ang mga nagpa-rehistrong indibidwal.
“Hindi ibig sabihin na kayo ay na-masterlist na ay mabibigyan kayo ng bakuna, depende sa supply na darating so importante ang communication with the LGU (local government unit).”
Target ng pamahalaan na maturukan ang 70-million Pilipino bago matapos ang taon.