Ibinahagi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang social media account ang gagawing partisipasyon ng Pilipinas sa Global Peace Summit na nakatakda sa darating June 15 hanggang 16 na gagawin sa Switzerland.
Ang anunsiyo ay ginawa ni President Zelenskyy kasunod ng kanyang bilateral meeting Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr kaninang umaga sa Malakanyang.
Ayon Kay Zelenskyy, napag- usapan nila ni Pangulong Marcos Jr. ang tungkol sa Global Peace Summit at ang kahalagahan na magkaruon ng kinatawan ang Southeast Asian countries sa naturang peace summit.
Kanya aniyang Ikinalulugod na makikilahok ang Pilipinas sa nasabing Summit na naglalayong matugunan ang nananatili pa ding conflict sa Ukraine at Russia.
Magtitipon SA summit ang mga kinatawan mula sa mahigit 160 bansa, kabilang ang mga miyembro ng G7, G20, at BRICS nations.
Ito ay ang mga bansang Brazil, Russia, India, China, at South Africa na kung saan ay ipinagpauna na ng RUSSIA na Hindi Sila lalahok sa naturang event.