-- Advertisements --
Nakatanggap ang Pilipinas ng donasyon mula sa Saudi Arabia na nagkakahalaga ng $3.2 million para sa humanitarian at tulong pinansiyal para sa rehabilitation ng Marawi City at sa COVId19 response ng bansa.
Gagamtin dina ng naturang donasyon para tulungan ang mga lugar sa bansa na makarekober mula sa epekto ng bagyong Odette na nagresulta ng pinsala sa maraming lugar noong December 2021.
Ayon sa Royal Embassy ng Saudi Arabia sa Manila, kabilang sa ibibigay na donasyon ay medical at preventive equipment at supplies na nagkakahalag ng $1.7 million.
Nagbigay din ng donasyon ang Saudi government na $1.5 million para sa Department of health para sa health facilities sa marawi.