image 542

Nakiisa ang Pilipinas sa Japan at Australia sa pagtulak sa international community na magsimula ng mga negosasyon sa isang kasunduan upang pigilan ang paggamit ng mga fissile materials na may kakayahang sumailalim sa fission sa pamamagitan ng low-energy thermal neutrons bilang mga sandata para sa digmaan.

Si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, kasama si Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Australian Foreign Minister Penny Wong, ay nanawagan para sa pagtatapos ng mga pag-uusap sa fissile material cut-off.

Ang kasunduan ay mag-oobliga sa mga estado na sugpuin ang mga fissile materials para sa layuning militar.

Gayundin ang paglalagay ng limitasyon sa karagdagang pagpapalawak ng nuclear weapons stockpile.

Ipinaabot ni Manalo ang pangako ng Pilipinas sa pagtanggi sa mga nuclear weapons at sa pagtulak ng nuclear disarmament.

Dagdag dito, ipinagmamalaki ng Pilipinas kasama ang Japan at Australia na bigyan ng buhay ang matagal nang pagsisikap tungo sa isang fissile material cut-off treaty (FMCT).

Ito ay 13 taon na mula noong hinikayat ng UN General Assembly ang Conference on Disarmament na makipag-ayos sa isang FMCT fissile material cut-off treaty.

Matatandaan na sa 2022 UN General Assembly, binanggit ni Pangulong Marcos ang panganib ng mga nuclear weapons at tinawag ang mga ito na isang banta sa seguridad ng mga bansa.