-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsubaybay sa kaso ng tatlong Pinay na nasawi sa bansang Cyprus.

Batay sa statement ng DFA, nakikipag-coordinate na ang Philippine Embassy sa Athens para sa aksyon ng Cyprus authorities.

Nabatid na napa-ulat ang pagkawala ng tatlong kababaihan noon pang 2017.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa pamilya ng mga Pinay at tiniyak ang pagtulong, hanggang maibalik ang mga labi sa ating bansa.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkakilala ang isa sa mga biktima at ang suspek sa isang dating site.

Miyembro umano ng national guard ang respondent sa kaso, ngunit hindi muna isinapubliko ang pangalan nito, pati na ng mga Pinay.