-- Advertisements --

Nakikitaan na umano ang Pilipinas ng senyales ng “endemicity” o ang pagbabago mula sa pandemiya patungo sa endemic state bunsod ng bumubuting healthcare utilization rate at pagbaba na rin ng COVID-19 infections.

Ipinaliwanag ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana ang mga senyales na ito ay hindi na gaanong napupuno ang healthcare system ng bansa at manageable na, mayroon ding gamot laban sa virus at alam na aniya kung paano ito mapigilan sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask at vaccines.

Aniya, bagamat hindi ito magiging mabilis dahil dumadaan ito sa gradual process ang transition patungo sa endemic situation.

Nananatiling mababa din ang naitatalang kaso kada araw na isang hakbang patungo sa endemicity.

Paalala naman ni Dr. Slavana sa publiko na mahalaga na manatiling mapanuri at ipagpatuloy pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards.