Nakikitang ang Pilipinas ang pinakamabilis na lalago pagdating sa ekonomiya sa Southeast Asia sa susunod na taon kasunod ng unti-unting pagrekober mula sa epekto ng pandemiya.
Ayon sa isang Malaysian financial giant, inaasahang papalo ang gross domestic product (GDP) growth ng Pilipinas ng hanggang 7% sa taong 2022.
Iniulat ni Chua Hak Bin, regional co-head ng macro research sa Maybank, Kim Eng, ito na ang itinuturing na fastest growing economy sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na sinundan ng Vietnam na may 6.7%, Malaysia (6%), Indonesia (5.4%), Thailand (4%) at Singapore (3.5%).
Inaasahan na tataas ng kabuuang 5.3% ang GDP growth rate sa rehiyon sa susunod na taon.
Para naman ngayong taon ayon kay Chua nakitaan ng 5.5% na GDP growth ang Pilipinas.