Nananatili bilang lower-middle income economy ang Pilipinas base sa pinakabagong classification ng World Bank.
Nakitang napag-iiwanan ang Pilipinas mula sa mga karatig nitong bansa sa Southeast Asia.
Sa data mula sa naturang international lending agency, lumalabas na ang gross national income ng Pilipinas noong 2022 ay nasa $3,950.
Bumaba ang gross national income per capital ng bansa sa bracket ng World Bank para sa lower-middle income economies na $1,136 hanggang $4,465 na itinaas mula sa dating $1,086 – $4,255 isang taon ang nakakalipas.
Maliban sa Pilipinas, nasa lower-middle income bracket din ang Vietnam na mayroong $4,010 gross national income per capital, Laos na may $2,360 , Cambodia ($1,700) at Myanmar ($1,210).
Habang ang ilang karatig na bansa ng Pilipinas na Malaysia, Thailand at Indonesia ay umakyat sa upper-middle income countries mula sa lower middle income status ngayong taon.
Ang Singapore at Brunei naman ay nasa high income bracket.
Kung matatandaan, una ng inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang unang State of the Nation Address na humahanap ng paraan ang kaniyang administrasyon para maiangat ang Pilipinas sa upper middle income status sa taong 2024 na target na magkaroon ng $4,256 income per capita.
Habang sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na posibleng makamit ng Pilipinas ang target nito na maging isang upper-middle income economy sa taong 2025.