-- Advertisements --

Muling nilinaw ng Department of Health (DOH) ?@ kż sana hindi pa nila na-detect na nakapasok na sa bansa ang presensiya ng subvariant ng mas nakakahawang Delta COVĺl-19 varianet.

Nilinaw ni DOH Epidemiology Bureau chief Dr. Alethea De Guzman na habang mino-monitor ang AY.4.2 subvariant, ay hindi pa ito inuuri na variant of concern o interest.

Aniya, ang subvariant ay may tinatawag na mutations na kahawig ng Delta at tulad ng Delta ay may potential na ito ay maging highly transmissible.

Tiniyak naman ni de Guzman na kasama ito sa kanilang binabantayan at nananatiling hindi pa ito na-detect sa mga samples na kanilang isinailalim sa sequencing.