Nanatiling nasa low risk status ang Pilipinas para sa COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).
Base sa data noong Mayo 27, tanging nasa 14% ng nakalaan na COVID-19 ICU bed ang okupado habang nasa 15% ng kabuuang COVID-19 beds ang kasalukuyang ginagamit.
Sa mga kritikal o seryosong kaso ng COVID-19, nasa kabuuang 185 lamang o 10% ng kabuuang admissions ang naka-admit sa mga ospital.
Ayon sa DOH, ang average number ng daily reported cases mula Mayo 21 hanggang 27 ay 319 mas mataas ito kumpara sa nagdaang linggo na nasa 202.
Subalit mababa pa rin ito kumpara sa naitala sa pagsisimula ng 2024 at sa kalagitnaan ng Mayo ng nakalipas na taon.
Mula sa bagong mga kaso para sa naturang linggo 22 ang severe o nasa critical condition.
Sa kasamaang palad, mayroong 20 nasawi kung saan 5 ang nangyari sa 2 linggo o mula May 14 hanggang 27.
Samantala, wala namang ebidensiya pa sa ngayon na nagdudulot ng severe hanggang critical covid19 ang FLIRT variants na nadetect na rin sa Pilipinas.