-- Advertisements --

Napapanahon na para bumalik ang Pilipinas sa International Criminal Court ayon kay Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman.

Sa press conference ngayong araw ng Martes, Marso 11, nanawagan ang mambabatas na umanib muli ang bansa sa ICC.

Aniya, dapat na maipakitang iginagalang ng ating bansa ang local at international laws.

Matatandaan na kumalas na ang Pilipinas sa ICC sa ilalim noon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Sa ilalim naman ng kasalukuyang administrasyon, nauna ng sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanilang pinag-aaralan ang posibilidad ng pagbabalik ng bansa sa ICC.