-- Advertisements --

Nasa ‘high risk’ na ang Pilipinas dahil sa mabilis na kumalat na kaso ng COVID-19.

Ito ang inanunsiyo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire mula sa Department of Health.

Ayon kay Vergerie, tumaas ng 42 percent ang growth rate ng coronavirus cases sa bansa sa loob ng dalawang linggo.

Vergeire USec.Maria Rosario DOH Apr 16
Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Aniya, mula July 26 hanggang Agosto 8 ang bansa ay nakapagtala ng average daily attack rate (ADAR) per 100,000 population na 7.20.

Ang mga rehiyon na nasa high risk ay ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Visayas at Northern Mindanao.

Samantala, iniulat ng kagawaran na ang virulent na COVID-19 Delta variant ay kumalat na sa 13 rehiyon sa loob ng 17 rehiyon sa bansa.

Ang National Capital Region ay nakapag-record ng may pinakamaraming Delta variant na 146, sinundan ito ng Calabarzon (47), Central Luzon (39), Central Visayas (37) at Western Visayas (36).

Dagdag pa ni Vergerie, ang bansa ay may 450 cases kung saan nasa 13 ang active cases habang isa ang “being verified.”

Tungkol naman sa kanilang katayuan sa pagbabakuna, 83 ang hindi na-inoculate laban sa COVID-19.

Tatlumpu’t lima ang nakatanggap ng dalawang doses ng anti-virus jabs habang isa ang nabakunahan ng first dose.

Inaalam pa rin ng ahensya ang kalagayan ng natitirang 315 na mga kaso kung sila nga ba ay nabakunahan na. (with report from Bombo Jane Buna)