Pumangatlo umano ang Pilipinas sa listahan ng 28 mg bansa sa Western Pacific na may pinakamaraming bilang ng COVID-19 infections.
Ayon sa Worl Health Organization (WHO) ipinapakita sa data sa world tally as of August 25 na ang bansang Malaysia, Japan, Vietnam kabilang ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng covid19.
Sinabi ni WHO Western Pacific Region director Dr. Takeshi Kasai, humaharap ngayon ang bansa sa surge ng COVID-19 cases hindi lamang sa NCR kundi maging sa ilang mga probinsiya kung saan punuan na ang ilang mga ospital at pagod na ang mga healthcare workers.
Saad pa ng kinatawan ng WHO, ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 na Delta variant ang isa sa dahilan ng surge ng cases sa Western Pacific at mahigit 10% ang naidaragdag sa mga bagong kaso at 8% naman sa mga nasasawi sa buong mundo sa unang tatlong linggo ng buwan ng Agosto.
Sa datos nitong Miyerkules mula sa DOH, nasa 13,573 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 kaya’t sumampa na sa mahigit 1.8 million ang cases sa Pilipinas. (with reports from Bombo Everly Rico)