Kasalukuyang nasa mahinang yugto na ng El Nino phenomenon ang Pilipinas na inaasahang magtatapos sa buwan ng Hunyo ayon sa DOST.
Ayon kay weather specialist Benison Estareja, inaasahang magbabalik normal na o neutral ulit ang temperatura sa bansa.
Paliwanag pa ni Estareja na maaaring magtagal pa ang kulang na ulan hanggang sa susunod na buwan bunsod ng tinatawag na lag effect ng naturang weather phenomenon.
Samantala, base naman sa Climatology Division, posibleng makaapekto ngayong buwan ng isa o dalawang bagyo sa bansa ngayong Mayo.
Mayroon aniyang binabantayan ngayon na namumuong kaulapan sa may Pacific Ocean at hindi inaalis ang posibilidad na mabubuo ito bilang low pressure area.
Sakali man aniya na magkaroon ng bagyo, maaaring maranasan ito sa ikatlo o huling linggo pa ng Mayo.