Kung pagbabasehan ang dami ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa Top 20 na ang bansa sa mundo mula nang magsimula magbilang sa mga nakapitan ng virus.
Batay naman ito sa John Hopkins University tally.
Ito ay matapos na malampasan na ang bansang Pakistan.
Sinasabing mas mababa na ang average na 2,500 na kaso kada araw kumpara noong nakalipas na linggo pero kung tutuusin ay mataas pa rin ito.
Nitong nakalipas na araw ayon sa DOH ang mga bagong kaso na kabuuang 2,415, ang 930 dito ay mula sa NCR, 238 ang nagmula sa Cavite, ang bagong 128 ay nanggaling sa Rizal, nasa 123 naman ang nasa Laguna at ang bagong kaso na 103 ay sa Negros Occidental.
Ang kabuuang COVID cases sa Pilipinas ay umakyat na sa 314,079.
Ang 54,294 dito ay mga aktibong kaso.
Marami naman ang naitalang gumaling na pasyente na umabot sa 771, pero nadagdag ang panibagong mga namatay sa 59.
Ang death toll sa bansa ay nasa 5,562 na.