-- Advertisements --

Welcome umano sa National Historical Commission of the Philippines ang mga bagong nagsusulputang awitin sa bagong henerasyon na makabuluhan sa kasaysayan ng bansa.

Pahayag ito ng nasabing komisyon sa gitna ng viral hit na “Panalo” ng Fil-Am rapper na si Ezekiel Miller o mas nakikilala bilang si Ez Mil.

Si Ez Mil ay tubong Olongapo at Pangasinan pero nakabase na sa Las Vegas.

Ayon sa Philippine National Historical Commission, maganda naman ang intensyon ng mga bagong awitin para maging inspirasyon sa mga tao na magkaroon ng kaalaman sa kasaysayan pero dapat ay tama ang ipinaparating na impormasyon.

Sa kanilang statement, idinaan sa all caps o lahat ay malalaking letra ang mensahe nito sa naturang rapper na hindi napatay sa Mactan ang bayaning Cebuano na si Lapu-Lapu.

Ez Mil 2

Una rito, sa report ng Star FM Cebu, nagpahayag si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan na hihilingin nito sa city council na ideklarang “persona non grata” sa lungsod si Ez Mil dahil sa lyrics na “Nanalo na ako nung una pa na pinugutan si Lapu sa Mactan.”

Laking galit ng alkalde sapagkat gumagawa lang umano ng kuwento si Mil gayong dapat ay respetuhin, at hindi kutyain ang bayani.

“Nasuko ko, naglagot ko. Nagpataka lang siya himo og istorya. Unsa man nang iyaha, bahala og sayop basta kay aron siya mosikat? Dako’ng bugal-bugal ang iyang gihimo sa atong hero nga angay natong respetaran, dili bugal-bugalan,” ani Chan sa isang press con.

Sa panig ng rapper, nag-sorry naman ito matapos umani ng batikos ngunit nanindigan na walang babaguhin sa lyrics.

Alam naman daw niya na hindi talaga pinugutan si Lapu-Lapu pero nag-focus lang siya sa papatok na rhyming o magkatunog na pattern.

“Because in terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in terms of when I’m closing out a song. Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it? That’s like me weighing the options,” paliwanag nito.

Dagdag niya, “That’s me putting an exaggerated term in a ploy to drive traffic and talk. I do not intend to have a corrected version of the song because I feel like that will ruin the integrity of the recording.”