Pinaigting pa ang air at naval patrols sa Escoda Shoal bilang suporta sa Philippine Coast Guard (PCG) vessel na BRP Teresa Magbanua na paulit-ulit na binangga ng mga China Coast Guard vessel noong Sabado ilang araw lamang matapos itong magkaroon ng mga katulad na insidente na kinasasangkutan din ng mga Chinese.
Ginawa ng tagapagsalita ng Philippine Navy for the West Philippine Sea na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ang pahayag sa gitna ng pagtaas ng presensiya ng mga barko ng China sa lugar na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ngunit nilinaw ng PH Navy official na ang pinaigting na pagpapatroliya ay hindi nangangahulugang ng pag-dedeploy ng mas maraming asset sa lugar.
Aniya, binabantayan ng BRP Teresa Magbanu ang lugar dahil sa mga napaulat na tambak na durog na corals kayat nais aniyang matiyak na hindi ito man-made. Kayat pinaigting ng PH navy at Air Force ang kanilang pagpapatroliya sa dagat at sa himpapawid.
Subalit nilinaw din ng opisyal na hindi ito tungkol sa kung sino ang may mas maraming bilang ng mga barko sa Sabina o Escoda shoal.
Maaalala na noong Linggo, mayroong tatlong China Coast Guard (CCG), dalawang People’s Liberation Army Navy at 47 maritime militia, isang hospital at mga research vessel na sinusubaybayan sa paligid ng Escoda Shoal.