-- Advertisements --

Balak ng Philippine Navy na bumili ng anti-drone technology para hindi magaya ang nangyari sa drone attack sa oil facility ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Vice Admiral Robert Emperad, flag officer-in-charge ng Philippine Navy, na maaaring maprotektahan ng drone ang military facilities, kampo ng military at maging ang mga barko ng Navy.

Dagdag pa nito na mayroong mga pino-propose ang Israel, United Kingdom at Russia kung paano maprotektahan ang mga infrastracture sa mga drone attacks.

Kanila ng pinag-aaralan ang mga proposal na isinumite kay pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing anti-drone procurement.